Eto ang aking kwento..
eto kasing kinagisnan kung mga laro pabalik noong araw na akoy nag-aaral pa.. talagang tinitipid ang perang baon bigay ng mama bawat peso ay mahalaga, kasi PHP10/hrs ang time sa mga net cafe noon at nasa 20php ang baon ko talagang naglalakad lang pauwi makapag laro lang..
Ngayon ang point ko ay hindi sa laro kundi papaano humawak ng computer at etc. umpisa kasi takot akung humawak ng mouse at keyboard sa isip ko kasi baka masira ko yung unit, ginawa ko nood lang muna ako observe ligaw tingin, sabi ng kaibigan ko na "easy lang yan eh wag kang matakot basta alam mo lang magbasa di mo masira basta basta".. alam ko nun basta may mag popop-up pindutin ko lang yung (x) O ecancel. ayun nga dun na nag umpisa..
Many years ang lumipas naaadik narin ako sa Ragnarok, kasunod ay RAN na poru Online games, magastos talaga ubusan ng pera, para lumakas pa lalo ang character mo bibili ka talaga ng mga card nasa PHP20,50,100,250,300 ang prices ng mga card.
Ngayon ang point ko di talaga sa paglalaro..hehe
Sabi kasi ng Lola ko at ibang mga matatandang kasama sa buhay, wag daw akung nakababad ng matagal sa harap ng computer kasi nakakasira daw ng mata at nakaka-(BOBO).
Forward tayo ng kunti punta tayo ng 2010 nung nag start na akung magtrabaho as a graphic designer, Di ko talaga enexpect na ganito ang magiging trabaho ko na nasa harap ng computer at magdedesign lang ako.. pangarap ko noon maging isang mekaniko may shop kasi ang papa ko at nagtatrabaho ako doon ng paextra extra pang suport sa pagesskwela.. mahirap na trabaho ang pagiging isang mekaniko kayat nagsikap ako na makapagpractice paano gamitin ang Adobe Photoshop nood ng mga tutorials sa youtube at ibang mga blogs patungkol sa pagdedesign, May 2010 nagkatrabaho na ako sa isang company na nagmamayari ng isang tinatawag na Blugre coffe, at doon nga nahasa ang pagiging designer ko.
Naisip ko kung tinigilan ko ang pagkaadik ko sa mga online games di sana ako naging ganito ngayon, kayat malaking tulong sa akin ang pagiging matigas ang ulo dahil nagamit ko rin naman paglaki ko..
0 comments:
Post a Comment
Please Use Your Real Name, All SPAM Name should be DELETED by the Admin... Thank You.